Panaginip: Tumalon mula sa bubong ng aming bahay ang aking anak. Ang aking anak ay binata na pero sa panaginip ay toddler lang siya. Nabuhay siya pero nabalian ng buto.---Atanashia
Interpretation: Ang pagiging bata ng iyong anak ay nagpapahayag na may darating na kalungkutan sa iyong buhay sa nalalapit na araw. Ang pagtalon niya mula sa bubong ay nangangahulugan na ang isang wish (sa iyo or sa iyong anak) ay hindi matutupad.