Dear Vanezza,
Ako po si Gester, 29, isang medical representative. Ang problema ko ay hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na ipinagpalit ako ng babaeng pakakasalan ko sa kapwa niya babae. Ikakasal na sana kami noong 2012. Pero bigla siyang umatras dahil mayroon na raw siyang ibang minamahal. Humingi siya ng tawad at pang-unawa sa akin. Inakala ko na lalaki ang naging karibal ko. Subalit nabigla ako ng sabihin niyang kapwa niya babae ang kapalit ko at nagsasama na sila. Sa kabila ng ginawa niya ay gusto pa rin daw niyang manatili ang aming pagiging magkaibigan. Pero hindi ko iyon tinanggap. Hindi ko matanggap na dinaya niya ako. Tama ba ang ginawa ko?
Dear Gester,
Ipagpasalamat mo na inamin pa rin niya sa’yo ang kanyang pagiging lesbian. Lalo kang magsisisi kung nagpakasal kayo pero sa dakong huli lalabas din ang reyalidad ng kanyang tunay na pagkatao. For old times sake, ituring mo pa rin siyang kaibigan. Pero kung hindi ka komportable na maging magkaibigan pa rin kayo sa isa’t isa, huwag mo nang ipilit. Go out and look for your own true love. Makakatagpo ka pa ng babaeng tunay na magmamahal sa’yo at iibigin mo.
Sumasaiyo,
Vanezza