Pampasuwerte para sa mga namamasada ng jeep, tricycle at taxi:
Maglagay ka sa unahan ng iyong pampasaherong sasakyan ng larawan o figurine ng Mahal na Birhen ng Antipolo.
Magsabit ka sa unahan ng sasakyan ng 8 Chinese coins (may butas sa gitna) na pinagkabit-kabit ng pulang tali. May ready-made nang ganitong klase sa mga Chinese stores na nagbebenta ng lucky charm sa Quiapo o Ongpin.
Sa iyong cash box o anumang lagayan ng kinita ay maglagay ka ng hematite, cat’s eye, at citrine.
Huwag magsusuot ng damit na may butas ang bulsa.
Sa bulsa ay maglagay lagi ng walong coins (kahit ating coins) na nakalagay sa pulang supot na tela. Magsisilbi iyang magnet upang humatak ng pera at dulot nito’y hindi ka mawawalan ng pera kailanman.
Always pray Psalm 23. Ipa-xerox mo ang Psalm/Awit 23. Tapos ipa-plastic laminate at idikit sa iyong sasakyan upang araw-araw ay iyong basahin bago simulan ang pagpasada.