Walang tumatagal na BF

Dear Vanezza,

After almost 4 years ng relasyon namin ng ex-bf ko ay wala na akong naging matinong relasyon. Naka-5 bf na ako pero lahat ay nauwi sa hiwalayan. Kinikilala ko naman sila bago ako makipag­relasyon sa kanila, pero ‘pag nagtatagal na nag-iiba na sila. Malaki po bang factor ang pagiging strong personality ko kaya ganun o sadyang hindi lang sila makuntento kung anong meron sila at naghahanap pa ng iba? Sabi kasi ng mga friend ko ay masyado akong dominante. Gusto ko ng mahanap si “Mr. Right” pero kelan kaya? - Lena, 24

Dear Lena,

Sa age mong 24 at hindi ka pa naman lubhang matanda para magmadali na mahanap si “Mr. Right” sa buhay mo. Ang mahalaga, hindi mo ipinauubaya nang ganap ang ‘yong sarili sa mga nakakarelasyon mo dahil maraming lalaki ang inaayawan na ang babae kapag natikman na. Siguro nga napaka-strong ng personality mo kaya biglang nagbabago ang mga lalaking nauugnay sa’yo. Kung ganun, dapat makatagpo ka ng isang lalaking mas dominante ang personalidad. Sabi nga, ang lalaki ang “ulo” ng pamilya at hindi babae. Be patient and wait at darating din ang tamang lalaki sa buhay mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments