Bell’s Palsy (2)

Naririto ang ilang mga impormasyon ukol sa bell’s palsy.  Ang Bell’s Palsy  ay pagkaparalisa o matinding panghihina ng nerve na komokontrol sa kalamamnan ng mukha katulad ng facial at seventh cranial nerve.

Ang pasyenteng dumaranas ng ganitong karamdaman ay nawawalan ng kontrol sa mga kalamnan ng mukha katulad ng hirap sa pagkurap at hindi paggalaw ng isang bahagi ng mukha ng pasyente. Karaniwan sa mga pasyenteng dumaranas ng ganitong karamdan ay iniisip na sila ay na-stroke dahil panghihina at pagkaparalisa ng bahagi ng kanilang mukha na kahalintulad sa bell’s palsy. 
 

Anu-ano ang sintomas ng Bell’s Palsy?

Biglaang pagkaparalisa/panghihina ng isang bahagi ng mukaha.

Hirap o hindi masara ng isang bagi ng talukap ng mata.

Iritasyon sa mata dahil sa hirap makakurap at pagkatuyo nito. At pinabababa rin nito ang ang dami ng luhang lumalabas sa mata.

Maaaring bumagsak o lumaylay ang bahagi ng mukha katulad ng isang bahagi ng bibig.

Kawalan ng kontrol sa paglalaway ng bibig.

Hirap sa ekspresyon ng mukha.

Pananakit ng ulo.

Anu-ano ang Pagsusuri Para sa Bell’s Palsy ?

Ang mga doctor ay naghahanap ng ibang kondisyon na sanhi ng pagkaparalisa ng mukha katulad ng tumor, Lyme disease, at stroke. Ito ay sinusuri sa pamamagitan ng pagsusuri sa ulo, leeg at tenga. Sinusuri rin ng mga doctor ang mga facial muscle o kalamnan sa mukha ng maigi upang madetermina kung may iba pang nerve ang naapektuhan bukod sa facial nerve.

Kapag may pagbabago sa anyo mukha ito ay maaaring sintomas ng tumor. Kung may roon namang pamamantal ito ay maaaring kagat ng garapata na sanhi ng Lyme disease.

Kapag ang lahat ng nabanggit ay hindi nakitaan sa isang pasyente na naparalisa ang bahagi ng mukha ito ay maaaring ikonsiderang Bell’s palsy. Kapag ang doctor ay hindi pa rin sigurado marapat na isangguni sa espesyalista sa tenga, ilong at lalamunan o ENT-otolaryngologist. Ang espesyalistang ito ay maaring mag-refer ng pagsusuri katulad ng:

Electromyography (EMG) – Ang electrodes ay linalagay sa mukha ng pasyente para masukat ang electrical activity ng nerves. Itong pagsusuri na ito ay ginagawa upang madetermina ang pinsala sa nerve at lokasyon nito.

 

Show comments