Kung hindi pantay ang iyong mga kamay…

Minsan magtataka ka bakit hindi pantay ang laki ng iyong mga kamay at braso. Ito ay dahil mas ginagamit mo ang braso at kamay na kinasanayan mo ng gamitin. Halimbawa, ikaw ay kaliwete, ang braso at kamay mo sa kaliwa ang palagi mong ginagamit sa lahat ng oras na kailangan mong gamitin ang bahaging ito ng iyong katawan. Karamihan ng tao ay kanang braso/ kamay ang ginagamit, kaya kung pagkukumparahin, mas malaki ang kanan sa kaliwang braso/ kamay. Dahil dito, maraming nais na pa­lakihin ang kanilang braso/ kamay na mas maliit. Narito ang ilang paraan:

Gamitin ang maliit na braso/ kamay sa magaan na gawain – Pag-aralan mong gamitin ang kamay/ braso mong ito kapag ikaw ay magsusulat o magta-type sa computer; paggamit ng mouse nito, magsisipilyo, paghawak ng cell phone kapag makikipag-usap ng medyo matagal; pagpapatalbog ng bola kung naglalaro ng basketball. Kung sakaling may bubuhatin na medyo mabigat, ang kamay na maliit pa rin ang dapat na gamitin para magkaroon ito ng muscle. Maaari din na gamitin ang kamay na ito sa pagguhit ng mga linya o alpabeto sa papel.

Show comments