Matutuklasan ang lihim

Panaginip: Pumasok ako sa maliit ngunit maayos na bahay. Nakiusap ako sa may-ari na kung puwede akong makigamit ng comfort room. Naiihi na ako. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ng toilet, ang sumalubong sa akin ay mabahong amoy. Hindi na lang ako umihi.---Cherry

Ang maliit na bahay ay isang dalaga or girlfriend ng anak mong lalaki. Ang balak na pag-ihi sa toilet, ngunit hindi natuloy, ay nagpapahayag na sana’y magkakagastos ka dahil sa iyong anak na dalaga or gf ng anak pero hindi  ito matutuloy. May matutuklasan kang lihim na magpapabago ng iyong desisyon na gumastos para sa kanya.

Show comments