Makalat na kuwarto ng mag-asawa

May epekto sa pagsasama ng mag-asawa ang kaayusan ng kanilang silid-tulugan. Ganito ang paraan ng pagpupungsuy ng kuwarto para maiwasan ang pag-aaway o pangangaliwa:

Ibilad sa araw ang mga ginagamit na unan at mattress. Tapos ay pausukan ang buong kuwarto ng mabangong incense stick buwan-buwan.

Alisin ang mga kalat sa ilalim ng kama kagaya ng lumang diyaryo, lumang album at iba pang lumang gamit. Hangga’t maaari ay walang bagay na nakalagay sa ilalim ng kama.

Huwag maglalagay ng display na tubig sa loob ng silid-tulugan.

Huwag maglalagay ng mirror sa tapat ng kama.

Kung full moon ay magbilad ng tubig (kahit gaano karami) para gamitin sa paliligo at pag­lilinis ng silid-tulugan. Ang tubig na gagamitin sa paliligo ng mag-asawa ay babaran ng pitong klaseng bulaklak o bulaklak na may iba’t ibang kulay.

Ang southwest ng inyong bedroom ay sabitan ng larawan ng bundok o displeyan ng crystal.

Mag-spray ng tubig sa paligid lalo kung alam mong polluted ang inyong kapaligiran.

Pinturahan ang southwest ng kuwarto ng dilaw. O, gumamit ng kurtina at pangdispley na kulay dilaw kung imposibleng magpintura.

 Maliwanag na bumbilya ang gamitin sa southwest.

 

Show comments