Mga bagay ukol sa orgasm

Karamihan sa mga babae, hindi mapag-usapan ang tungkol sa sex, lalo na ang tungkol sa orgasm.

Pero ang orgasm ay bahagi ng kalusugan ng mga babae.

Marami kang gustong malaman tungkol sa orgasm pero hindi mo ito maitanong sa iyong mga kaibigan na hindi naman dapat.

Dapat lang na normal itong mapag-usapan upang madagdagan ang kaalaman.

Pero narito ang ilang bagay ayon sa www.womansday.com na dapat nating malaman ukol sa orgasm.

1.   Orgasms panlaban sa pain.?Masakit ba ang iyong ulo? Bakit hindi makipag-sex? Mayroon umanong ebidensiyang nalulunasan ng orgasm ang nararamdamang sakit kabilang ang sakit mula sa arthritis, sakit mula sa operasyon o maging sa panga­nganak, ayon kay Lisa, RN, MSN,  nurse practitioner na nagtratrabaho sa Planned Parenthood sa Los Angeles at may blogs sa Gynfizz.com. “The mechanism is largely due to the body’s release of a chemical called oxytocin during orgasm,” paliwanag niya. “Oxytocin facilitates bonding, relaxation and other positive emotional states.” Bagama’t hindi pangmatagalan ang lunas na tumatagal lamang ng hanggang 10-minuto, nakita rin sa research na ang pag-iisip lamang ng sex ay nakaka-relieve na ng pain.

(ITUTULOY)

Show comments