NAKATUTOK ang baril ng wirdong milyonaryo sa ulo ni Socrates; ang huli ay nanginig, tinalo ng kilabot.
Si Paula ay luhaang muling nakiusap. “Huwag po, Mr. Caluycoy, para n’yo nang awa. Hu-hu-hu-huu.†Ngising-asong nanggipit ang milyonaryo, puno ng pagnanasa. “Mabait ka na ba, Paula my love?†Tumango ang misis. “Basta po huwag ninyong papatayin ang mister ko.â€
“P-Paula, no... huwag kang pumayag na maduÂngisan, hu-hu-huuy.†“Apeng, itago mo muna ang ulul na ‘to. Bantayan mo.†“Ngayundin po, bosÂsing!†Naiwan sa coaster sina Caluycoy at Paula. “Weii, well, well -- oras na para maghubad Paula my love.†Noon sumigaw si Paula, pagkalakas-lakas. “ARNELOOO!†Naglakbay sa asylum ang sigaw, narinig ni Arnelo. Nagmamadaling nakalabas ito ng asylum, tangay ang buong puwersa ng mga multong mapanligalig - - ang mga kakilakilabot na Poltergeist!
Tuluy-tuloy sa loob at sulok at paligid ng coaster. Unang sinambilat pataas si Caluycoy, tangay din si Apeng at iba pang bodyguards ng milyonaryo. Bitbit sila ng mga multong kaÂkilakilabot. Pataas nang pataas.
Nakita sila sa himpapawid ng Metro Manila. Sigawan nang sigawan sa kilabot sina Caluycoy, Apeng at mga bodyguards.
“Aaaaahh! Aaaahhh!†Isang kababalaghan iyon sa mga taga-Metro. Lahat yata ay napapatingala.
Klik.Klik.Klak. Naging busy sa pagkuha ng larawan sa himpapawid ang mga kamera, cell phone, digicam, etsetera.
Mayamaya ay nagsimula nang maglaglag ang mga poltergeist na multo. Inuna si Apeng na kanang kamay ni Caluycoy; ihinulog sa dagat. Splassh.
Isinunod ang tatlong bodyguards, ibinagsak sa baywalk.Bralagdag.
Finale si Caluycoy, sa mismong boulevard ihinulog. Bogg.
SINA Paula at Socrates ay pinagsama ni Arnelo sa coaster, kinalagan ng gapos. Saka binalot ng makapal na usok.
Sa bahay na natauhan ang mabuting mag-asawa, dala ang pera. (WAKAS)
(Up Next: The Ghost of ‘Padre TiliÂling’