Ano ang nagpapahina ng iyong kalusugan?

Sa numerology, puwede mong malaman ang mga bagay na makakapagpahina ng iyong physical and emotional condition. Kung alam mo ang mga bagay na magdudulot sa iyo ng sakit, mas magiging madali ang pag-iwas dito.

Life number ang susi para malaman ang mga bagay na nabanggit. Upang malaman ang LIFE NUMBER, kunin ang sum total ng iyong kumpletong birthday. Halimbawa: May 1, 1970 ( 5 + 1 + 1 + 9 + 7 + 0 = 23 = 5 ang life number).

LIFE NUMBER 1—

Masyadong busy sa career kaya napapabayaan ang kanyang kalusugan. Tandaan ninyo, mahalaga ang physical exercise para mapanatiling maganda ang kalusugan.

LIFE NUMBER 2—

Worrier ang taong may Life Number 2. Laging problemado kahit wala namang dapat problemahin. Sakit ng ulo, nerbiyos, palpitation ng puso, bukol ay ilan lamang sa nagiging bunga ng pagiging worrier. Meditation (pagninilay-nilay) ang mabisang paraan upang hindi maaburido. Ang pakikipag-usap sa Diyos ay isang halimbawa ng meditation.

LIFE NUMBER 3—

Aktibo at hindi tumitigil sa katatrabaho. Madalas tuloy napapagod. Dapat nilang maisip na hindi mabuti sa katawan ang sobrang pagpapagod. Matutong mag-relax. Maglaan ng sapat na oras para sa pagpapahinga.

LIFE NUMBER 4—

Mahilig umako ng maraming responsibilidad kaya nagiging workaholic. Dulot nito ay mahirap siyang makatulog. Bigyan ang katawan ng sapat na pahinga. (Itutuloy)

 

 

 

Show comments