Isang milyong pisong kilabot (21)

 â€œBAKIT ako babarilin sa balikat ng milyonaryo?” tanong ni Socrates sa maamong multo.

Nakikinig si Paula.

“Para po hindi kayo mamatay agad, at para mapilitan si misis na tumakbo sa labas para tumawag sa ambulansiya,” walang patlang na sagot ng maamong multo.

“Gusto akong i-technical, Socrates,” sabi ni Paula.

Napapailing si Socrates. Nagagalit.

“Dadayain po kayo ng milyonaryong ‘yon,” dugtong ng multo.

“Magkakamatayan muna kami!”

“Makakatulong po ako, para may sigurado kayong pambuhay sa dalawang bata.”

Mangha ang mag-asawa.

 â€œAlam mong may dalawang kids kami?” tanong ni Paula.

Tumango ang multong hindi nananakot.

Niyaya sila nito sa basement ng sunog na asylum. Pawisan ang mag-asawa dahil napakainit, halos walang hangin.

Sa tulong ng flashlights, narating nila ang basement.

Wala isa mang mapanligalig na multo silang naengkuwentro.

Itinuro ng maamong multo ang nakausling bahagi ng concrete floor.

“Ano’ng gagawin namin?” tanong ni Socrates.

“Tutunggabin n’yo po. Merong surpresa.”

Si Paula ang humawak sa flashlight habang tinutunggab ni Socrates ang bahaging iyon ng floor.

Nakamasid ang maamong multo. “Dahan-dahan po, Mang Socrates. Baka kayo masugatan.”

Overwhelmed ang mag-asawa sa kabaitan ng multong galing sa seminaryo. Nakalulunod ang kabaitan nito.

Saglit pa’y natunggab na ni Socrates ang usling concrete flooring.

Meron silang nakitang nakabalot sa diyaryong makapal; halatang matagal nang naroon, nakaligtas sa sunog.

Kinakabahang binulatlat ni Socrates.

Pigil naman ang paghinga ni Paula, sa pananabik.

Nakamasid ang maamong multo.

“P-Paula, Panginoong Diyos…” Hindi makapaniwala ang ama ng tahanan. (ITUTULOY)

 

 

 

 

Show comments