Iwasan ang mabahong hininga... (1)

MANILA, Philippines - Paano nga ba mapapanatili ang iyong “fresh breath”? Para maiwasan mong mahilo ang taong iyong kinakausap, sundin ang mga sumusunod:

Uminom ng maraming tubig – Kapag hindi palagi umiinom ng tubig, maaaring matuyo ang iyong lalamunan na siyang nagreresulta ng mabahong hininga. Nangangailangan ang bibig na palaging mabasa ng tubig o ng laway para maalis ang bacteria mula sa iyong mga kinain. Ang soda at juice drinks ay puno ng sugar habang ang kape naman ay acidic kaya kung iinom ka nito ay tiyakin na susundan mo ito ng tubig para hindi bumaho ang iyong hininga.

Iwasan ang paninigarilyo – Bukod sa  pagkasira ng iyong baga, nagdudulot din ng pagkatuyot ng bibig ang paninigarilyo. Kaya naman ang tobacco na sinunog ng iyong hininga  ay mag-iiwan ng mabahong amoy sa iyong bibig kahit pa ikaw ay nakapagsipilyo na.

Magnguya ng dahon – Ilang “herbs” ang maituturing na breath freshners. Magnguya ng ilang piraso ng dahon ng parsley, mataas kasi ang chorophyll nito na siyang nagsisilbing fresh deodorizer. (Itutuloy)

Show comments