NAIS nang mabaliw ni Paula sa bagong hanay ng kababalaghan. Inaaresto sila ng mga multong baliw—merong nakasuot ng nars, merong pugot ang ulo; merong biyak ang mukha, nakabaon sa noo ang palakol.
Merong nagbabanta ng kamatayan—nais gilitan ng leeg sina Socrates at Paula.
Minsan pang nagsisigaw ang magandang misis. “Ayoko na talaga, hindi ko na kaya ito!â€
Surprisingly si Socrates ang buo ang loob. Hindi ito hinimatay; natakot noon sa dagang patiwarik kung maglakad pero hindi sa mga kakilakilabot na mga baliw na multo.
“Mga multo lang kayo! Wala kayong kakayahang pumatay ng tao! Mas takot ako sa mga taong buhay!â€
Hinila niya sa multong biyak ang noo si Paula. Ang misis ay nangangaykay sa takot. “Ayoko na talaga, Socrates! Lumabas na tayo! Mamamatay na ako rito; mauulila ang maliliit nating anak “
“Paula, ilan oras na lang tayo rito! Malapit na nating makuha ang lsang Milyon!â€
“Hindi mo ba napansin, Socrates, lalong tumitindi ang pananakot ng mga multo. Aatakihin na ako sa puso, maniwala ka!â€
Ayaw paawat ang mga multong baliw, dinala pa rin ang mag-asawa. Sa operating room.
“Eeee! Socrates, saklolo! Itinatali nila ako sa operating table! Bubusbusin nila ako!â€
“Anak ng tupapaw! Paula, ililigtas kita!â€
Pero tinusok na si Socrates ng kutsilyo ng multong baliw.
Sa tiyan. Umagos ang masaganang dugo ng mister ni Paula!
Gimbal si Paula, nagsisigaw. Nakita ang nangyari sa asawa. “Eeee! Totoo silang tao! Hindi multo!â€
Luwa ang bituka ni Socrates. “Paula, lumabas ka na! Iwan mo na akooo!â€
‘Hu-hu-huuu, Socrates! Tatawagin ko ang ambulansiya sa labas! Huwag ka munang mamamatay!†(ITUTULOY)