Mga Pamahiin mula sa iba’t ibang bansa

1--Sa India, susuwertehin ka kung malalaglag ang butiki sa iyong ulo.

2--Sa Ukraine, odd numbers ang bilang ng bulaklak na inireregalo ng manliligaw sa babae. Ang even numbers na bilang ng bulaklak ay iniaalay lang  sa  patay.

3--Sa Thailand, hindi nila pinagtatapat ang front door at back door. Hindi yayaman ang mga nakatira dito dahil pagpasok ng pera sa front door, ito ay tuluy-tuloy na lalabas sa back door.

4--Sa Australia, makakaranas ka ng 7 years na paghihirap kapag nakabasag ng mirror. Nagmula ang pamahiing ito noong panahon ni Queen Victoria ng England. Sobrang mahal ng presyo ng mirror noon kaya ang isang katulong na nakabasag ng mirror ng kanyang amo ay pinapatawan ng 7 taong pagtatrabaho nang walang suweldo.

5--Sa Pakistan, huwag ibubuka ang isang gun­ting kung hindi naman ito gagamitin. Ito raw ay nag-iimbita ng awayan sa loob ng bahay.

6--Sa India, bad luck matulog na ang suot ay bagong damit. Iniuugnay ito sa mga namatay na bagong damit ang isinusuot nilang pamburol.

7--Sa China, ang hihigaan ng bagong kasal sa kanilang unang gabi ay dapat pahigaan muna sa isang batang lalaki na ipinanganak sa year of the dragon.

8--Sa Chile, kapag nagha-hiking sa disyerto, ibuhos muna ang kaunting tubig mula sa iyong iinumin upang hindi malasin sa paglalakbay. Parang pinaiinom mo muna ang ispiritu ng lupa. Itutuloy

Show comments