“W-WALA na ba talaga ‘yung m-multong putol, ha, Socrates?†paniniyak ni Paula sa mister. Nahimatay ang magandang misis matapos makakita ng kakaibang klase ng multo.
“Nawala ang multo bago ka nagkamalay-tao, Paula Tingin ko’y napahiya.â€
“Napahiya?â€
“Oo. Kasi’y nabiÂgong manakot. Halos dumikit na kanina sa mukha ko ang nakadidiring anyo, pero tiniis ko talagang huwag matakot.
“Ang nasa isip ko’y kung paano ka gigiÂsingin, Paula. Masyado akong nag-alala sa iyo na nakalimutan ko ang takot sa multong ‘yon.â€
Nakikiramdam pa rin sa paligid si Paula.
“Isa pa, nanghihinayang ako sa Isang Milyong Piso, kung pati ako ay matatakot. Baka sabay pa tayong tumakbo palabas, e di talo na tayo,†tuloy na paliwanag ni Socrates.
Pilit namang kinakalma ni Paula ang sarili.
“E nakakatakot namang talaga ‘yung multong putol, Socrates. Nakalutang sa dilim, hanggang dibdib lang ang katawan…
“At ang mukha ng multong ‘yon, nakupo, Socrates--p-pang-horror movie talaga!â€
Tumango si Socrates. “Bale ba, Paula, solid ang multong putol na ‘yon, hindi ordinaryong ghost na para lang usok.â€
“Kaya nga ako nahimatay sa takot, e. Super-panget na bangungot ang multong ‘yon.†Sumiksik na sa tabi ng mister si Paula.
Saka na nila itutuloy ang pagkain. “Huwag ka talagang lalayo sa tabi ko, Socrates, mamamatay ako sa kilabot, maniwala ka.†Napatingin sa wristwatch si Socrates. Glow in the dark iyon, nababasa ang oras kahit nasa dilim. “Nasa pang-apat na oras pa lang tayo rito sa asylum, Paula. 20 hours pa more or less ang ating bubunuin.†Napapailing ang mister.
May napansin si Paula. “S-Socrates, merong d-daga…†“Daga lang ‘yan, Paula, huwag kang matakot.†Hindi tiningnan ni Socrates ang daga, abala siya sa pag-aayos ng baterya ng isa pang flashlight. “ S-Socrates, i-iba ang kilos ng daga…†(ITUTULOY)