1--Maglagay ng tubig na hinaluan ng asin at may naka-float na bulaklak sa North area ng bahay upang maging positive ang energy at umasenso ang career.
2--Magdispley ng litrato ng kalmadong dagat; falls o ilog na ang direksiyon ng daloy ay patungo sa North wall ng salas upang daluyan kayo ng magagandang pangyayari sa iyong buhay.
3--Nagdadala ng good luck ang pagsasabit ng bell sa itaas ng main door
4--Maglagay ng yellow box na walang laman sa Northeast upang suwertehin sa pag-aaral.
5--Ang library o study room ay mainam na nasa Northeast.
6--Ang paglalagay ng healthy plants sa East ay magpapaganda ng relasyon mo sa iyong pamilya at sa mga taong nakakasalamuha mo sa labas ng tahanan.
7--Humihigpit ang bonding ng pamilya kung ang East corner ng salas ay may nakadispley na happy family picture.
8--Magiging maganda ang relasyon ng mga magulang sa kanilang tinedyer na anak kung magsasabit ng tatlong bell na magkakabit gamit ang pulang tali sa East.
9--Ang pagpapatugtog ng sweet instrumental music sa bandang East ay magdudulot ng good vibes at harmony sa tahanan.
10--Maglagay ng empty crystal bowl sa Southeast upang ulanin ka ng mga biyaya. (Itutuloy)