Masturbation vs. Real sex

Marami ang nakakaranas ng intense na sexual satisfaction sa pagma-masturbate, ngunit mas intense ang totoong pakikipag-sex sa ka-partner. Marami ang mas pinipili ang pagma-masturbate dahil nga naman walang tensiyon, hindi mag-aalala sa kanilang itsura, performance sa ‘pagsasarili.’ Mas madaling maabot ang orgasm sa pagma-masturbate at wala ka namang partner na kailangang intindihin. Alam mo na ang takbo ng iyong katawan at hindi ka na mahihiya at wala ka nang iisipin pang iba. Pero mas healthy ang totoong pakikipag-sex.

Ang pakikipag-sex ay maraming health benefits. Kasi nga ay para na rin itong isang form ng exercise Maganda ang totoong sex sa puso, sa skin, sa heart sa prostrate. Nakaka-relax, nakakawala ng stress at marami pang iba. Ayon sa mga eksperto, alam ng ating katawan ang pagkakaiba ng masturbation at ng sex kaya magkaiba ang nagiging reaksiyon ng ating katawan.

Kapag nakipag-sex, mas maraming sperm ang semen kaysa sa pagma-masturbate. Pagkatapos ng orgasm mula sa sexual intercourse, tumataas ang prolactin ( hormone na nare-release pagkatapos ng orgasm) sa ating dugo ng 400% kumpara sa masturbation. Ang hormone prolactin ang dahilan ng nararamdamang satisfaction.

Show comments