NAKAPIKIT si Paula, ayaw tumingin sa kadiliman. Meron silang naririnig na kung anong tunog.
Haah. Haah. Haah.
Lalong pumikit si Paula, hinigpitan ang pagkapit sa kamay ni Socrates.
Kaytagal din bago naunawaan ng mister kung ano ang tumutunog. “Paula, huwag kang pumikit. Wala pang multo.â€
“A-ano ‘yung naririnig natin?†tanong ng magandang misis.
“Paula, iyon ang ating paghinga nang malalim kanina…sa sobrang tahimik ng asylum ay nadinig natin.â€
Nakiramdam si Paula. Nawala ang tunog na ‘Haah. Haah. Haah.’ Ang pumalit ay iba naman.
Bog. Bog. Bog.
“S-Socrates, tama ka. Ang malalim nating paghinga kanina ang ating narinig; ngayo’y ang kaba naman ng aking dibdib.â€
Dumilat na si Paula, kahit paano ay nakahinga na wala pang multo.
Naglagos ang liwanag ng kanilang flashlights sa kahabaan ng corridor ng abandonadong asylum. Nagkalat pala ang mga sunog na muwebles at kasangkapan.
Hindi pala ginalaw ang loob ng asylum matapos masunog.
“Alam mo, Paula, wirdo talaga ang may-ari nitong asylum. Walang pakinabang ang building na ito. Dapat ay giniba na lang at saka ibinenta ang lote. O kaya ay pinatayuan ng bagong negosyo.â€
“Palagay ko’y mali ka, Socrates. Di ba kaya nga raw hindi inaayos ay dahil sa mga nagmumultong pasyente?
“Nais gawing horror house ng owner ang asylum. Baka matapos itong One-Million Peso challenge niya ay magkakaroon na ng bayad ang sinumang papasok sa loob,†mahabang paliwanag ni Paula, iniwasang i-mention na kilala niya nang personal ang owner; hindi niya babanggitin kay Socrates na dating manliligaw niya si Emil Caluycoy.
Hindi rin niya sasabihin kay Socrates na ang may-ari ng asylum ay ang binigo niyang manliligaw—ten years ago—na sinuwerte sa ibang bansa at ngayo’y nais pa rin siyang mahalin. At angkinin.
“Paula? Bakit ka natitigilan?â€
“W-wala. Baka lang ‘ka ko biglain tayo ng m-multo…†(ITUTULOY)