Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na mas agresibo ang “crocodi­le” kumpara sa “alligator”?  Ang alligator ay hin­di kagaya ng crocodile na kumakain agad ng tao, ngunit mabilis din itong umatake ka­pag nararamdaman na siya ay magigipit. Mas ma­laki ang crocodile kaysa sa alligator. Ang pangalang “alligator” ay mula sa salitang Spanish na “el lagarto” na ang ibig sabihin ay butiki o lizard. Ang pinakamalaking alligator ay  nasa Everglades National Park sa Florida kung saan ito ay may sukat na 17 feet 5 inches. Nabubuhay ito hanggang 50 taon.

Show comments