8 Tips for Good Luck

Maglagay ng mga halamang mabango at may masayang kulay malapit sa labas ng entrance door. Kapag mabango at makulay na halaman ang sasalubong sa mga taong papasok sa inyong bahay, magiging  positive ang kalooban ng mga taong papasok sa loob ng bahay ninyo.

Kung magkatapat ang main door ninyo at ng katapat bahay, kabitan ng screen door ang inyong door. Ito ay upang hindi masipsip ng inyong bahay ang bad energy na magmumula sa katapat bahay.

Gumamit ng isdang key chain (sa wallet), pendant o figurine ng isda dahil ito ay nagdudulot wealth luck.

Good luck sa negosyo ang pagdidispley ng fresh yellow flower sa tindahan o opisina.

Ang isasampay lang sa inyong sampayan ay malilinis na damit na nilabhan. Umaakit ito ng good energy sa kapaligiran.

Lagyan ng asin ang tubig na gagamiting panglinis ng sahig ng bahay upang maitaboy ang negative energy.

Ilagay ang shoe rack sa tagong lugar at huwag sa may pintuan.

Gumamit ng gemstone: Citrine—pamsuwerte sa negosyo; Jade—stone of wealth; Aventurine—gambler’s stone. Ilagay sa left pocket para makaakit ng pera.; Carnelian—for happiness and success.

Show comments