Ano ang mga sintomas?
Ang mga batang may autism ay maaaring normal tingnan at kumilos sa unang ilang buwan ng kanilang buhay. Sa katagalan, ang ating anak ay maaaring maging hindi masyadong makasagot sa atin. Napakaraming sintomas, ngunit hindi lahat ng batang autistic ay magkakaroon ng lahat ng sintomas na ito. Maaaring magkaroon sila ng mga sintomas na wala sa listahang ito.
Mga abilidad na Makisalamuha
Kahit na sa unang ilang buwan ng pamumuhay, maaaring ayaw na kinakandong ang iyong anak at maaaring sumigaw para maibaba kapag nakakarga. Maaari siyang lumayo sa iyo, iwasan ang pagtatama ng mata, at mas gugustuhing maglaro nang mag-isa. Maaaring ayaw niyang pinapansin o walang kibong tatanggapin ang mga yakap at pagkandong. Maaaring iwasan ng iyong anak ang pagkaway, mag-make face, o paglalaro ng pat-a-cake. MaaaÂring hindi siya tumingin o ngumiti bilang tugon sa ngiti ng iba. Maaaring hindi niya pansinin ang iba na nababalisa o nasasaktan.
Maaaring hindi sumagot ang iyong anak kapag tinawag mo ang pangalan niya, ngunit agad na umaaksyon sa binubuksang telebisyon. Maaaring pagdudahan mo na walang pandinig ang iyong anak. Maaaring mabagal ang iyong anak na matutunang ipaliwanag kung ano ang iniisip at nararamdaman ng iba. Mahirap sa kanya na makita ang mga bagay mula sa pananaw ng isang tao.