Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang “Pau,†dating bilanggo. May 18 taon din akong nakulong. Sa paglabas ko ay isang masakit na balita ang sumalubong sa akin. Ang nobya ko ay inahas ng kuya ko at sila ngayon ay nagsasama na at mayroon ng anak. Hindi ito sinabi sa akin ng aking mga magulang noon ako’y nasa loob dahil ayaw nilang ma-depress ako lalo. Kaya pala ng huling bumisita sa akin ang dati kong gf ay hiningi niya ang kanyang kalayaan at kapatawaran ko dahil nakatagpo na raw siya ng ibang minamahal. Ibinigay ko naman ang kalayaan niya pero wala sa isip ko na utol ko pala ang tinutukoy niya. Hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin ako sa kanila. Parang hindi ko matanggap. Ito po ang problema ko kung bakit parang hindi ako masaya, sa kabila na may ilang taon na rin akong nakakalaya. Paano ko kaya maiiwasan na makagawa ng hindi maganda sakaling makita ko silang dalawa? Sana’y mapayuhan mo ako.
Dear Pau,
Nauunawaan ko ang iyong damdamin. Pero sabi mo nagpaalam naman ang dating nobya mo na palayain mo na siya dahil nakahanap na siya ng iba. Marahil hindi na siya makahintay sa iyo sa tagal mo sa kulungan. Tulad mo, nalulungkot din siya at maaaring ang utol mo ang siyang napagbalingan niya ng atensiyon. Ang hindi nga lang maganda ay inilihim niya sa iyo na kapatid mo ang ipinalit niya sa iyo. Unawain mo na lang sila. Tao lang silang natutukso at marahil, nagkalapit ang kanilang damdamin dahil kapwa sila malungkot sa buhay sa pagkakakulong mo. Maaari ring hindi talaga kayo ang magkapalad. Kaya alisin mo na ang galit sa dibdib at ganap silang patawarin.
Makakatagpo ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo ng lubos.
Sumasaiyo,
Vanezza