14 Good Omens

Narito ang 14  good omens o pangitain na nagbabadya ng magandang suwerte:

1--Mula sa paglalakwatsa ng inyong alagang aso sa bahay ay darating ito na may bitbit na buto na mukha pang sariwa. Buto po ng hayop, hindi kalansay ng tao.

2--Bago ka umalis sa bahay ay hindi sinasadyang dilaan ng aso ang iyong paa o sapatos.

3--May makasalubong na baka habang nagla­lakbay.

4--Paglabas ng bahay ay sinundan ka ng pusa—magkakapera ka.

5--Hindi sinasadyang may manganak na pusa (hindi ninyo alaga) sa inyong bahay o bakuran. Bubuhos ang pera sa inyong bahay.

6--May pumasok na itim na pusa sa inyong bahay.

7--May nakasalubong na tatlong pusa habang naglalakad sa kalye.

8--May makita kang puti at pulang kabayo sa kalye—matutupad ang iyong mga pangarap.

9--Sa takipsilim ay may makita kang unggoy—matutupad ang pangarap.

10--Magiging masuwerte sa pera kung maglalagay ka ng kuko ng kuwago sa iyong cash box.

11--May pumatak na butiki sa left side ng babae o right side kung lalaki.

12--May pumatak na butiki sa ulo ng tao—mapo-promote sa trabaho.

13--May pumatak na butiki sa plato habang kumakain—yayaman ka.

14--Biglang tumiktik ang butiki kasabay sa pagbukas mo ng ilaw—nagpapahayag iyon ng prosperity.

 

Show comments