Phone Number, may ibig sabihin! Last Part

Kunin ang sum total ng iyong last four digits ng iyong cellphone number o landline number.  Tingnan sa listahan ang  ibig sabihin.

Seven:

Magandang numero para sa mga estudyante. Nagdudulot ito ng malalim na pag-iisip at pag-aanalisa. May positibong epekto sa attitude ng isang tao—nagiging matatag at balanseng mag-isip.

Eight:

Ang magandang magmay-ari ng ganitong numero ay iyong may negosyo dahil ang 8 ay umaakit ng pera. Mainam din ito sa mga may inferiority complex dahil nagdudulot ito ng tiwala sa sarili. Mainam sa mga taong mataas ang ambisyon sa buhay dahil may positibong epekto ito sa career at financial situation.

Nine:

Ang number na ito ang mabuting mapatapat sa opisina ng charitable institutions o kaya ay sa mga charity workers or health facilities. Ang 9 kasi ay numero na nagdudulot sa tao ng pagkamaawain. Isa sa mga masuwerteng numero dahil ang may-ari ng telepono ay malamang na laging kakampihan ng tadhana. Ngunit hindi raw magandang numero  sa mga taong may problema sa kalusugan.

Show comments