Karamihan sa mga kagat ng insekto ay nangyayari sa nakalantad na mga bahagi katulad ng mukha o mga braso. Minsan ang grupo ng mga kagat ng insekto ay maaaring mangyari sa katawan kung saan ang isang insekto ay gumapang sa ilalim ng damit
Pinalalala ng init ang pangangati. Makatutulong kung palalamigin ang apektadong bahagi sa pamamagitan ng malamig na basang bimpo. Makatutulong ang mga cream o syrup na may taglay na antihistamine, ngunit magbantay para sa mga allergy. Para naman matiyak na hindi magkakaroon ng anumang komplikasyon ang apektadong balat, dapat na gumamit ng antiseptic na sabon kung ang balat ay nasugatan.
Ano ang mga ito? Ang mga kagat ang insekto ay mga tugon ng lokal na balat sa mga lason na itinurok sa balat ng iba’t ibang uri ng mga insekto. Ang mga ito ay karaniwan at ang ilang mga bata ay mas sensitibo kaysa sa iba. Ang mga insekto ay gumagawa ng isa o mahigit pang mga kagat na nananatili bilang mga bahaging makati sa balat nang maraming araw. Kung minsan ay nagkakaroon ng pamamaltos, partikular na sa mga binti.
Saan nangyayari ang mga ito? Karamihan sa mga kagat ng insekto ay nangyayari sa nakalantad na mga bahagi kung saan ang mga insekto ay nakakalapit sa balat. Paminsan-minsan ang mga grupo ng mga kagat ng insekto ay maaaring mangyari sa katawan kung saan ang isang insekto ay nakagapang sa ilalim ng damit.