BIGLANG lumungayngay ang nanay ni Nenita matapos malaman ng dalaga na mahal na mahal pa rin siya nito.
Nag-panic si Nenita. Kalong ang magulang na wala nang kakilus-kilos. “Inay, huwag naman ho ngayon…hindi pa ako handa. Huwag muna kayong aalis. Hu-huhu-huuu.â€
Inihiga niya ang ina, dinama ang pulso nito. “Inay, huwag po naman ngayon…ayokong mag-isa sa mundo…â€
Nakapamburol ang nanay ni Nenita. Tanggap na ng ina na ang buhay nito ay malapit nang bawiin; na padating na ang kamatayan.
Hindi niya madama ang pulso ng ina; hindi siya naturuang tumingin ng pulso.
Ang alam ni Nenita, hindi humihinga ang magulang. Ang alam ni Nenita, hindi mabuting senyales ito.
TUUUT. TUUUTT.
Narinig ni Nenita ang pamilyar nang silbato ng tren. Palapit ang ghost train. “Diyos ko po…Diyos ko po naman…hu-hu-huuu.â€
Tama siya, natatanaw na niya ang ghost train. Lusutan ito sa mga bahayan, isang uri ng multo na pagkahaba-haba.
Nadama na lamang ni Nenita, nagsisikip ang dibdib niya; ang paningin niya ay nagdidilim.
Unnnnn. Ungol ito ng dalaga.
Hindi na alam ni Nenita ang sumunod na nangyari. Si Vincent ay tumatawid sa boulevard nang biglang kabahan. Sumingit sa kanyang isip si Nenita.
Kinontak niya sa cell phone ang dalaga. Nag-text. Nag-call na rin later on dahil hindi nagte-text back si Nenita.
“Sagutin mo ang call na ‘to, Nenita. Kabang-kaba ako. May masama bang nangyayari?â€
Narating ni Vincent ang tabing-dagat. Wala pa ring sumasagot sa cell ni Nenita. Lalong naligalig ang binata. Naupo siya sa sea wall, nakaharap sa dagat. Higit kailanman, ngayon siya nakadama ng matinding pag-aalala kay Nenita.
May natanaw si Vincent sa laot. Napaigtad siya. “A-ang ghost train, papunta sa barko…†(ITUTULOY)