Mga dapat iwasan kapag ikaw ay galit

Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong bagay ang dapat mong iwasan kapag ikaw ay nagagalit. Narito pa ang ilan:

Hindi dapat balewalain ang iyong blood pressure. Kapag galit ka dapat na i-monitor ang iyong blood pressure lalo pa’t mayroon kang history ng alta presyon. Maaari kasing maging sanhi ng heart attack ang sobrang pagkagalit.

Huwag gumanti.  Kapag galit na galit ka sa isang tao at sa pakiramdam mo ay hindi siya naging makatao sa’yo, nakakaisip kang gumanti sa kanya. Iwasan mo ang isiping ito dahil tiyak na mapapahamak ka lang. Kung sa’yo naman may nagagalit na tao, maaari mo siyang pakalmahin sa pagpapakita sa kanya na ikaw ay “cool” lang sa pakikipag-usap sa kanya.

Magbilang ng 10-100. Ayon kay Thomas Jefferson, kapag daw nagagalit, magbilang ng hanggang sampu at bago ka magsalita ay magbilang muli ng hanggang 100. Kagaya ng nasabi noong una, sa ganitong paraan ay maiiwasan mong masangkot sa mas malaking gulo  at makapanakit ng damdamin ng tao. Kapag galit ka at idinaan mo sa bilang ang iyong galit, magbabalik sa normal ang iyong heart beat na siyang magpapa­kalma muli sa iyo.

Show comments