Panaginip: Isinama ako ng matandang lalaki sa basement ng bahay niya. Sa isip ko ay kilala ko siyang mahilig mangmolestiya ng mga batang babae. Ang basement ay may hagdan. Ito pala ay sekretong daan patungo sa attic ng bahay niya. Nakita ko ang tatlong batang babae na nakahiga at nakahubad. Sumigaw ako ng: Tumakas na kayo! Nagising ako pagkatapos kong sumigaw.---Nitty Gritty
Interpretation: May masama kang karanasan noong bata pa at pilit mo itong kinakalimutan (bumaba ka sa basement ng bahay). Ngunit kahit pilitin mong kalimutan ang nangyari, ang masamang alaala ay pilit na bumabalik sa iyong isipan. Ito ang ibig sabihin ng nasa basement ka na, pero muling umakyat sa attic.