Pagpupungsuy sa negosyo

Ano ang iyong gagawing pagpupungsuy kung ang negosyo mo ay

 

Real State

Ang element na kumakatawan sa real state business ay earth. Kaya ang ia-activate mo sa inyong opisina ay ang  southwest at northeast sector. Ang mga taong may importanteng posisyon sa pagpapalakad ng negosyo ay dito mo ipupuwesto ang kanilang opisina.

Magdispley sa naturang direksiyon ng quartz crystal o stone/marble carvings.

 

Alahas

Ang element na kumakatawan sa negosyong alahas ay metal. Ang iba pang negosyo na metal ang kumakatawan na element ay mining companies, engineering firms, car assemblers and sales office, machinery and equipment enterprises.

Ang paggamit ng windchime ang nararapat para sa mga nasabing negos­yo. I-activate ang west at northwest sector ng opisina o tindahan sa pamamagitan ng paglalagay dito ng opisina o table ng taong may kinalaman sa sales. Huwag gagamit ng dekorasyong kulay pula dahil ito ay sumi­simbolo ng apoy. As we all know, sinisira ng apoy ang metal. Mainam na gamiting pampasuwerte ay 3 Chinese coins na pinagkabit-kabit ng pulang tali. Idikit ito sa cover ng iyong invoice book at order books.

Itutuloy

Show comments