Alam natin na maraming masamang dulot sa ating kalusugan ang paninigarilyo.
Narito ang isa pang dahilan para tigilan ang paninigarilyo.
Kung ayaw mong lumiit ang iyong kargada, itigil na ang paninigarilyo.
Ang paninigarilyo ay nagpapaliit ng blood vessels sa penis na nagpapababa o nagpapahina ng daloy ng dugo.
Ang paghina o pagbaba ng daloy ng dugo ay may negatibong epekto sa elasticity ng penis kaya nahihirapan maabot ang full length ng inyong penis.
Ayon sa isang researcher, ang paninigarilyo ay mas may direktang harmful impact sa penis kaysa sa puso.
Mag-isip ng sex kapag naiihi
Nalagay ka na ba sa sitwasyong ihing-ihi ka na pero hindi ka pa puwedeng umihi.
‘Yung tipong nagmamaneho ka, naiihi ka na pero nasa gitna ka ng matinding traffic.
‘Yung nasa importante kang meeting pero hindi ka puwedeng lumabas.
‘Yung ihing-ihi ka na pero wala kang makitang comfort room.
Alam n’yo bang may makakatulong kapag nalagay sa ganitong sitwasyon.
Mag-isip lamang ng kahit anong bagay tungkol sa sex… mababawasan ang inyong nararamdamang pagpunta ng banyo.
Sa pag-aaral sa Baylor University, natuklasan ng mga researchers na kapag nag-iisip ng tungkol sa sex, nape-preoccupy ang utak kaya mababawasan na ang nararamdamang pag-ihi.
Hindi man mawawala ang nararamdamang paglabas ng ihi, mas madadagdagan naman ang inyong oras para makahanap ng comfort room.
Bakit hindi n’yo subukan. (source omgfacts.com).