NATIYAK nina Nenita at Vincent na hindi babawiin ng ghost train ang perang nasa handbag; na puwede na nilang gamitin ang malaking bahagi ng kanilang 500 thousand pesos each sa pagpapaligaya kay Dindi at sa inay ni Nenita.
“Ibig bang sabihin ng ghost train, paligayahin muna natin sina Inay at Dindi bago niya kukunin?†pabulong na tanong ni Nenita kay Vincent
“Yes, Nenita. Na ibig sabihin, mali ang hinala mong kasangkapan ng demonyo ang ghost train.â€
Napalunok ang dalaga. “Ang tren pala ang instrumento ni Kamatayan, ha, Vincent?â€
Tumango ang binata. “Gano’n na nga. Bale binigyan tayo ng malaking pera—para nga sumaya kahit paano ang nalalabing araw ng dalawang mahal natin.â€
“Pero ayoko pa ngang mamatay si Inay…kahit mapaligaya ko siya. Si Inay na lang ang nalalabing kapamilya ko…â€
Napabuntunghininga si Vincent. “Sasabihin mo na namang kayong mag-ina ay kutsara at tinidor, kanin at ulam, gano’n?â€
Bumakas sa mukha ng dalaga ang ligalig. “Sabi ng Inay, kawawa ako kapag naiwan niya. Pagsasamantalahan lang daw ako ng mga manyakis.â€
“Nenita, first things first.
Paligayahin muna natin ang inay mo at si Dindi. Alam nating touch-and-go na sila…posibleng kunin na ng ghost train one of these days…â€
Tumango si Nenita, nagpahid ng luha. “Lagi ka namang tama, e. Hindi ka kagaya kong masyadong emotional, Vincent.â€
Naglalakad na sila palabas ng churchyard, binabagtas ang gabi.
“S-Saan tayo, Vincent? Dapat na tayong maghati sa pera.â€
“Mahoholdap tayo kapag dito naghati.â€
Nag-taxi na naman sila. “Vincent, saan tayo…?†SA BAHAY nina Dindi sila nagtuloy. Ginising ni Vincent ang dalagitang may taning na ang buhay.
Lihim na nahambal si Nenita sa anyo ni Dindi. Tipong tatlong bulate na lang ang hindi nakakapirma sa death certificate ng dalagita.“K-Kuya Vincent…n-nagtanan kayo?†napapalunok na tanong ni Dindi, nakalarawan sa mukha ang selos.
(ITUTULOY)