Nagsisimula ang katarata kapag ang protina ay namumuo sa lens na nagiging dahilan ng paglabo ng paningin. Hinaharangan nito ang pagpasok ng liwanag sa lens kaya nawawala ang paningin ang lahat ng lumang cells ay nagsisiksikan . Dahil sa ang bagong lens cells ay nabubuo sa labas ng lens ang mga lumang cells ay nagdidikit-dikit sa sentro ng lens kaya ng nakakaroon ng katarata.
Iba’t ibang uri nag katarata katulad ng:
Age-related cataracts. Ang kataratang ito ay namumuo dulot ng katandaan.
Congenital cataracts. Minsan ang mga sanggol ay pinapapanganak na may katarata dahil ito ay resulta ng impeksyon, pinsala, hindi maayos na paglaki ng sanggol habang nasa sinapupunan, o na-develop sa panahon ng kabataan pa la mang
Secondary cataracts. Ito ay nade-develop dahil sa resulta ng ilang madecal condition katulad ng dyabetis, exposure sa toxic substances, ilang mga gamot (katulad ng corticosteroids at diuretics), ultraviolet light, at radiation.
Traumatic cataracts. Ito ay nangyayari pagkatapos ng pinsala sa mata.
Iba pang mga kadahilanan na dududlot ng katarata katulad ng paninigarilyo, polusyon sa hangin, at madalas na pag-inom ng alak.