Tips sa Pagbili ng Lote at Condo

Condominium

Huwag mong pipiliin iyong pinto ng unit ay nakatapat sa elevator. Maihahalintulad ang elevator sa tiger na anumang oras ay puwede kang kainin.

Piliin mo ‘yung unit na mahangin at spacious. Iwasan ang unit na maraming “beams”.

Huwag kang kukuha ng unit na nasa pinakaitaas ng building.

Huwag kang titira sa condo na may swimming pool sa pinakaitaas ng building. Mamalasin ang lahat ng nakatira doon. Para bang nakatira ka sa ilalim ng tubig.

Lote

Regular ang shape ng lote—square o rectangle pero hindi triangle.

May loteng hindi pantay. Okey lang ito kung ang nasa likod ay mas mataas kaysa harapan.

Kapag nagtayo ng bahay, magtira ka ng space para gawing garden. Huwag isasagad ang bahay hanggang kalye. Mag-iwan ng space para sa front yard. Huwag tataasan ang bakod para malayang makapasok ang good energy patungo sa bahay.

Show comments