Senyales at Sintomas
Ang EVD isang malubhang sakit na dulot ng virus na kung saan ang pasyente ay may biglaang lagnat, sobrang pnghihina, masasakit na kasukasuan, masakit ang ulo at sore throat. Ito ay susundan ng pagsusuka, pagtatae, pantal, pinsala sa kidney at atay, kung minsan ay may internal at external bleeding. Sa mga pagsususri sa laboratory ay makikita ang pagbaba ng white blood cell, platelet counts at mataas na liver enzymes.
Diagnosis
Iba pang sakit dapat ikonsidera bago pagsusuri sa EVD na dapat gawing ay katulad ng: malaria, typhoid fever, shigellosis, cholera, leptospirosis, plague, rickettsiosis, relapsing fever, meningitis, hepatitis at iba pang viral hemorrhagic fevers.
Ang Ebola virus infections ay maaaring ma-diagnosed sa laboratoryo sa pamamagitan ng ilang klaseng pagsusuri katulad:
•antibody-capture enzyme-linked immunosorbent assay (ELISA)
•antigen detection tests
•serum neutralization test
•reverse transcriptase polymerase chain reaction (RT-PCR) assay
•electron microscopy
•virus isolation by cell culture.
Ang mga samples sa mga pasyente ay isang extreme biohazard; pagsusuri ay kailangang gawin sa ilalim ng maximum biological containment conditions.
Bakuna at Gamutan
Wala pang natutuklasang bakuna para sa EVD. May ilang mga bakuna ang sinusubukang gamitin pero wala pa ang available para magamit panlaban sa EVD.
Ang malubhang pasyente ay nangaÂngailangan ng masinsiÂnang pangangalaga. Ang mga pasyente ay karaniwang dehydrated at nangangailangan ng oral rehydration solutions na mayroong electrolytes o intravenous fluids.
Wala pang espesipikong gamutan para sa EVD.