Paano makakamit ang positive energy?

Base sa fengshui principle, positive energy sa paligid ang nagiging dahilan ng pagiging masuwerte sa buhay. Narito ang mga paraan para akitin ang positive energy:

Magdispley ng mga bagay na magbibigay suwerte sa pinto o sa entrance ng bahay. Halimbawa, Buddha na nakaharap sa entrance; black/blue doormat.

Maglagay ng Fu Dogs sa entrance.

Maliwanag na ilaw ang gamitin sa entrance.

Ang tahol ng aso, meow ng pusa, taktalaok ng manok o alinmang natural na tunog ay bumubuhay ng positive energy. Kung wala ay puwede na ang magandang music mula sa radio, stereo o television.

Ang ayos ng furniture ay hindi dapat nakaharang sa taong dadaan dito.

Ang lutuan ay hindi dapat nakikita mula sa pintuan sa harapan.

Magsabit ng crystal sa pintuan o bintanang nasisikatan ng araw.

Buwan-Buwan ay punasan ng tubig na may asin ang sahig, pintuan at mga dinding ng buong kabahayan.

Iwasang magdispley ng maraming gamit sa bedroom lalo na ng wedding photos.

 Punasan din ng basahang binasa ng tubig na may asin ang inyong bedroom. Buksan ang bintana upang makapasok ang sariwang hangin na nagdadala ng positive energy.

Show comments