Maysakit o buntis

Panaginip: Papasok ako sa building kaya kinapkapan ako ng lady guard. Pero sa halip na aking bag ang i-tsek, kinapa niya ang tagiliran ng aking tiyan. Madiin ang pagkapa niya kaya medyo napasigaw ako. “May sakit ka sa kidney.” ang sabi ng lady guard sa akin.---Nikki

Interpretation: Kung may nararamdaman kang physical pain sa iyong katawan ay agad kang magpa-check up sa doctor. Ang panaginip ay nagsisilbing warning para ipaalam sa dreamer na kailangan niyang magpagamot. Kung wala kang sakit, hindi kaya buntis ka? Ang interpretasyon ng ibang dream interpreter sa kidney ay sanggol. Good luck.

Show comments