Kapalaran ng mga babae (2)

Bad luck kapag walang kilay o sobrang manipis.

Laging namamatayan ng asawa ang babaeng salubong ang kilay. Hindi rin siya mapagkakatiwalaang asawa o taksil.

Yayaman ang babaeng maganda ang kurbada ng kilay at tama lang ang kapal nito.

Ang matang parang laging inaantok ay palatandaan nang pagiging mahilig sa lalaki.

Kung ang mata ay kagaya ng sa usa, malaki, mabilog, maitim ang pupils, may manipis na pulang ugat sa paligid ng pupils—palatandaan na magi­ging lider siya ng bansa pero may pagkadominante.

Sisikat ang babaeng may ilong na korteng tuka ng parrot.

Tuso ang babaeng nakikita ang buhok sa ilong.

Kung natural na namumula ang mukha, siya ay masuwerte at magiging sikat.

Ang maluwang na bibig ay indikasyon na mahilig siya sa sex.

Malas ang may maitim na gilagid.

Susuwertehin sa buhay ang may maganda at mapuputing ngipin.

Bad luck kung nagngangalot (grinding of teeth) ang ngipin habang natutulog.  Itutuloy

Show comments