Iangkop mo ang iyong activities sa tamang araw o panahon upang makamtan ang magandang kapalaran. Tumingin sa kalendaryo para matiyak kung ano ang petsa ng NEW MOON. Ang petsang ito ang ikukunsidera mong DAY ONE (1).
Day 7—Magandang araw para magpakasal. Magiging masagana ang kanilang buhay may-asawa. Sa araw na ito ipa-repair ang nitso ng kamag-anak.
Day 8—Ngayon magandang magsimula ng negosyo o anumang trabaho sa bukid. Magandang araw para magpakasal.
Day 9—Huwag simulan sa araw na ito ang anumang importanteng activity. Tiyak na kabiguan lang ang magiging resulta.
Day 10—Sa mga babaeng nagbabalak sagutin ang manliligaw sa araw na ito—ipagpaliban muna dahil magreresulta lang ito ng kalungkutan. Huwag magpakasal o maglibing sa araw na ito.
Day 11—Kung napapabayaan mo ang iyong misis, ngayon ang araw na dapat mo siyang suyuin. Kung hindi, maghahanap iyan ng iba.
Day 12—Maling araw upang simulan ang negosyo. Baka may problemang legal na kakaharapin. Huwag ngayon magpakabit ng irrigation system sa bukid. Magkakaproblema lang.
Day 13—Excellent day para bumili o magpa-renovate ng bahay. Magpakasal ngayong araw. Ang paglilibing ng patay ay magdadala ng suwerte sa mga kaanak na naiwan.
Day 14—Magandang araw para simulan ang kahit anong activity.
Day 15—Magandang araw para simulan ang bagay na may kaugnayan sa pagpapagawa ng bahay. Siguradong magiging masaya ang tahanang sisimulang itayo sa araw na ito. Ngunit hindi masuwerteng magsagawa ng negosyo at pagtatanim.
(Itutuloy)