Kissing, Petting bago mag-sex Last Part

The ultimate happy pill -  Ang serotonin na tinatawag na happy hormone, ay napapa-aliwalas ng isip.

Madalas sabihin ng mga tao na kapag sila ay nai-stress o nade-depress, hindi na nila naiisip ang makipag-sex. Ngunit sa katunayan, mas makakatulong kung makikipag-sex kapag intense ang sitwasyon. Kung maiiyak man pagkatapos makipag-sex, normal lang ito. Ito ay dahil sa kombinasyon ng endorphins na nare-release at mas pinaigting na emosyon.  

Better sleep

Kung nahihirapang matulog, mas mabuti pang makipag-sex imbes na uminom ng sleeping pills o uminom ng alak, ayon kay Dr. Arun Ghosh, isang GP na nag-e-specialize sa sexual health sa Spire Liverpool Hospital.

 â€œIn fact, it’s more beneficial to have sex in the evening rather than the morning because the body wants to be relaxed afterwards, not get up and go to work,” ani Dr. Ghosh.

Ayon pa kay Dr. Ghosh, kung gagawin ang inyong sexual activity sa gabi, mas maraming makukuhang stress-relieving benefits. Para sa mga lalaki, ang isang matinding orgasm ay halos katumbas ng 2-3mg shot ng diazepam (or Valium).

Ito ang dahilan kung bakit maraming lalaki ang nakakatulog pagkatapos makipag-sex.

Show comments