Gawin ang alinman sa mga sumusunod tuwing sasapit ang New Moon (may schedule sa kalendaryo) per month upang maakit ang magandang kapalaran sa inyong buhay.
Bumili ng black or dark blue bowl at ilaan ito bilang “Kitchen Wealth Bowlâ€. Punuin ito ng bagong biling asin tuwing New Moon. Ito ang asin na magaspang at hindi iodized salt. Ang asin ay puro at walang kung anu-anong chemical na inihalo. Ilagay ang asin sa iyong cupboard.
Linisin ang refrigerator at itapon na ang mga panis na pagkain o pagkaing hindi na type kainin. Ang fridge na makalat at marumi ay nagkakaroon ng bad energy. Panatilihing itong malinis dahil dito natin itinatago ang ating kinakain. Ang pagkain ay simbolo ng kayamanan at kalusugan.
Maglagay ng kaunting asin sa plastic at itago sa wallet. Palitan ang asin tuwing New Moon.
Maglagay sa container ng asin at ilagay sa mga sulok ng bahay. Palitan ito kapag nakitang marumi.
Huwag mag-iiwan ng footwear sa bungad ng pintuan. Sinisimbolo nito ang pag-alis ng pera at suwerte sa inyong buhay.
Mula New Moon hanggang Full Moon ay gawin ito tuwing umaga: Isulat sa palad (kanan kung right-handed ka; kaliwa kung left handed) ang maraming peso sign o kung kursunada mo, samahan ng dollar sign. Mang-aakit ito ng money luck at mga oportunidad para makamit mo ang pangarap na yumaman.