Aswang family (59)

DADALHIN nina Adwani at Mang Sotero sa ligtas na lugar ang mga lulan ng eroplanong bumagsak sa ocean. Sumama pa nga sa lifeboats ang bad fairy at ang bading na kapre.

Enjoy ang dalawang nilalang ng dilim sa pagi­ging super-heroes.

Ang mga pasahero at crew ng eroplano ay naiilang sa diwatang nakabikini at butterfly wings. Nagtataka sila sa bading na kapre na meron namang pink wings.

Gayunma’y kumakapit sila sa pangakong kaligtasan ng dalawang supernatural beings.

“Talagwa, ate, akwin na itong make-up kit mwo?”

“Opo, opo, manong, este manang! With all my heart po! Basta po iligtas n’yo talaga kami!”

Si Adwani ay meron ding hiniling sa kapitan ng eroplano. “Can you do it, captain?”

“O-opo, miss fairy whatever! Kaso po’y nasa kabilang lifeboat!”

“Pero nawala sa dagat ang cellphone mo, ha, captain?”

“Oo nga po, e.” Napapakamot ng ulo ang kapitan, gaya ng iba pang survivors ay litung-lito.

Kumumpas ang bad fairy. Pop!

Mula sa bula,  nag-produce ng cellphone ang bad fairy. Black Berry, latest generation. 

Namangha na naman ang mga tao.

Saglit pa’y tumatawag na ang kapitan sa isang tauhan sa ibang lifeboat. “Opo, sir, narito nga po! Pero paano ko po dadalhin diyan? Malalaki po ang alon! Super-layo kami sa inyo!”

“No problem!” sabi ng kapreng bading, “Di bwa, Adwani?”

“Go-go-gooo!” nakangising sabi ng bad fairy. “Use your pink wings, bakla! Ha-ha-ha-haaa!”

Buong landing lumipad sa pakay na lifeboat ang kapre. Kumakanta pa sa gitna ng crisis.

“Fly mwe to da mwoon…and let mwe play amwong da stars…”

Nakuha ang dapat kunin, naibalik agad kay Adwani. “Your highness, hetwo na pwo ang ice cream, natutunaw na, dalwiii!”

Tuwang-tuwa ang bad fairy, parang batang nag-indulge.

ITUTULOY

Show comments