1. Ang legs na mahaba, malaman at makinis ay indikasyon ng pagiging matulungin at masipag. Bago sumapit ang edad na 30, ang takbo ng buhay niya ay maayos at wala gaanong hadlang na mararanasan para makamit ang minimithi sa buhay.
2. Ang legs na maikli, ‘yung tipong hindi angkop sa “built†ng katawan ay ismarte pero tahimik lang siya at mahilig magmasid. Dahil dito, hindi niya type ang trabahong kailangang makipag-usap sa maraming tao kagaya ng salesman. Maraming mararanasang hirap bago sumapit ang edad na 30. Ang simula ng maginhawang buhay ay 31 anyos pataas.
3. Ang taong pike kung maglakad (nagsasalubong ang dalawang paa) ay pa-low profile. Halimbawa, mayaman siya pero ayaw niyang magpahalata. Siya ang malayong pumasok sa pulitika dahil mas gusto niya ang tahimik na buhay kaysa sikat ka nga, lagi namang naiintriga.
4. Kabaliktaran ng pike. Nakahiwalay ang legs kung naglalakad o sakang. Kadalasa’y madaldal at mayabang sila. Minsa’y pakialamero sa buhay nang may buhay.
5. Naghihirap ang taong may butuhang paa.
6. Gastador at batugan ang taong may patulis na mga daliri sa paa.
7. Ang paang malaman at makinis ay indikasyon ng pagyaman.
8. Ang babaeng may mabibilog na kuko sa paa at makinis na paa ay malaki ang tsansang makapag-asawa ng mayaman. Itutuloy