Ano ang iba’t ibang uri ng gamutan para sa hyperthyroidism? Ang isang dahilan ng gamutan ay para mapababa ang lebel ng thyroxine at gawing normal ito. Sa iba pang problema, katulad ng goiter (pamamaga thyroid) ay may kaugnayan sa problema sa mata, at nangangailangan ng gamutan. Naririto ang ilan sa gamutan katulad ng:
Pag-inom ng Gamot.
Ang pag-inom ng gamot ay maaaring makabawas ng abnormal na dami ng thyroxine na gawa ng thyroid gland.
Radioiodine
Ito ay isang paraan na kung saan ang pag-inom ng kapsula na mayroong radioactive iodine. Ang pinaka gamit ng iodine ay upang gumawa ng thyroxine. Samakatuwid, ang radioactive iodine ay bumubuo ng thyroid gland. Ang radioactivity ay nakatuon sa thyroid gland, sinisira nito ang thyroid tissue na maaaring makabawas sa paggawa ng thyroxine. Ang dose ng radioactivity sa buong katawan ay mababa at hindi delikado. Pero sa mga nagbubuntis o nagpapasusong mga kababaihan ay hindi ito akma. Pagkatapos ng gamutan sa mga kababaihan, pinapayuhang huwag munang mag buntis sa loob ng anim na buwan at sa kalalakihan naman ay pinapayuhang umiwas muna sa mga bata hanggang apat na buwan. Sa mga mga sumailalim sa radioiodine treatment, kailangan umiwas sa mahabang pakikisalamuha sa ibang tao mga dalawa hanggang apat na linggo depende sa radioiodine na natanggap. Ang layunin nito ay upang iiwas ang ibang tao sa radioactivity. Ito ang ilan sa gabay sa tamang pagiingat: (Itutuloy)