Mag-research muna bago bilhin ang nakukursunadahang property:
1--Magsaliksik kung ano ang history ng property. Ano ang dating itinayo sa lote (kung lote lang), ano ang nangyari sa owner ng bahay at ibinebenta niya ang kanyang property. Kung ang dahilan ay money problem o family problem, malaki ang tsansa na may bad energy sa property. Maghanap ka na lang ng iba.
2--Tingnan ang road placement. Ang bahay ay hindi dapat nakatayo sa dead end; or T-intersection. Huwag mong bilhin ang bahay na nasa ganitong lokasyon at siguradong wala itong suwerteng idudulot sa buhay mo.
3--Pansinin ang mga structures na nakapaligid sa bahay o lote. Ang magandang lokasyon ay A) sa likod ng bahay ay may bahay din na nakatayo; may bakod; may bundok; maraming puno o may nakatayong mataas na building. B) sa kaliwa at kanan ay may bahay at puno na mas maliit kaysa nasa likod.
4--Dapat ay walang corner ng bubong ng katapat-bahay ang nakadirekta sa mismong bahay na bibilhin mo. Poison arrow ang tawag dito na magdudulot ng bad luck.
5--Ang lote ay square at rectangle. Huwag bibili ng loteng korteng triangle. Magdudulot ito ng kaguluhan sa pamilyang magtatayo ng bahay.