MGA POSIBLENG KUMPLIKASYON
Kapag tayo ay may hindi nagagamot na hyperthyroidism:
• Tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng problem sa puso katulad ng abnormal na heart rhythym (atrial fibrillation), isang mahinang puso (cardiomyopathy), angina at heart failure.
• Sa mga nagdadalang tao, ay tumataas ang panganib ng kumplikasyon.
• Tumataas ang pagkakaroon ng marupok na mga buto (osteoporosis).
Kapag ito ay ginagamot, magkakaroon ng magandang resulta.
Sa matagumpay na gamutan, karamihan sa sintomas at panganib ng komplikasyon ay maaaring mawala.
Sinu-sino ang maaaring magkaroon nito?
Ito ay karaniwan sa mga kababaihan. Nasa 8 sa 100 ang babae at 1 sa 100 ang nagkakaroon ng hyperthyroidism. Maaaring magkaroon nito sa lahat ng edad bata man o matanda.