Ang pangunahing hormone na nare-release kapag nakikipag-sex ay ang oxytocin na tinatawag ding ‘cuddle hormone’. Ang hormone na ito ay nagpapababa ng ating defenses at mas nagtitiwala tayo sa tao, ayon kay Dr. Arun Ghosh, isang GP na nag-e-specialize sa sexual health sa Spire Liverpool Hospital. Ito rin ay mahalaga sa bonding. Mas maraÂming napro-produce na oxytocin ang mga babae ngunit hindi malinaw kung bakit. Ito ang dahilan kung bakit mas madaling mahulog ang loob ng mga babae sa isang tao at nai-in-love pagkatapos ng sex. Bagama’t makakatulong kung kikilalanin mo munang maigi ang iyong mahal, mas masasaktan naman kapag mabilis na natapos ang inyong relasyon.
Sa kabilang banda, ang mga lalaki, imbes tumanggap ng bonding hormone, ‘naliligayan’ lamang sila. Ang siste, kapag ang lalaki ay nag-o-orgasm, ang pangungunahing nare-release na hormone ay ang dopamine o ang tinatawag na pleasure hormone at ayon kay Dr Ghosh, nakakaadik ito.
Ito ang dahilan kung bakit mas madaming lalaki ang may sex addiction.