‘Good Omen’

Panaginip: Isang taon na ang nakakaraan simula ng pumanaw ang aking kuya. Sa aking pana­ginip, dumating siya sa gitna ng  aming pagsasaya dahil fiesta sa aming lugar. Ako ang unang nakakita sa kanya. Ang feeling ko ay nasabik ako sa kanya dahil  matagal siyang nawala. Sa isip ko ay  galing siya sa abroad. Niyakap ko siya nang mahigpit. Nakaporma siya at lalong pumogi.---Cloud 9

Interpretation: Ang pagyakap sa isang pumanaw ngunit buhay sa panaginip ay nagpapahayag ng long life sa dreamer. Good omen din ang ibig sabihin kung ang deceased relative ay maganda ang bihis sa panaginip.

Show comments