Umulan sa loob ng bahay

Panaginip: May bubong ang aming bahay at walang butas pero nang umulan sa labas ay umulan din sa loob ng bahay. Nabasa ang furnitures at appliances. Pati ako, basang-basa.---Babsie

Interpretation: Sinisimbolo ng ulan ay pagbabago, pagyabong, at paglago. Ang eksena na nabasa ka ay nagpapahayag ng “cleansing” mula sa mga problema at kaguluhang naranasan sa buhay. Sa ibang dream experts, ang napanaginipan mo ay nagbabadya ng pangi­ngibang bansa.

Show comments