Kisame/Chandelier/Walis

Ang kisame ng bahay

• Sa Fengshui, ang wastong taas ng kisame mula sa sahig ng bahay ay 8 feet. O, kaya ay 4 feet ang space mula sa ulo ng pinakamataas na residente ng bahay. Ang mababang kisame ng bahay ay nagreresulta sa mabigat na pamumuhay ng pamilya.

• Hangga’t maaari, huwag lalagyan ng beam ang kisame.

• Pinturahan ang kisame ng puti o kahit anong bright color ngunit huwag gumamit ng blue or black.

Paggamit ng chandelier

• Magandang ilawan ng chandelier ang buong Southwest ng kabahayan. Dapat ay maliwanag ang ilaw na gagamitin at ito ay may nakasabit na mga crystal.

• Ang kombinasyon ng fire ( ilaw) at earth (crystal) ay nagreresulta ng romance at love luck sa mga miyembro ng pamilya  na naninirahan sa bahay.

Walis Tambo sa Dining Room

• Panatilihing nasa tagong lugar ang mga walis. Ang pakalat-kalat na walis ay nagreresulta ng pagkawala ng suwerte.

• Lalong masama kung pakalat-kalat ito sa di­ ning room dahil nagpapahayag ito na pagkawala ng hanapbuhay.

Show comments